Wipe Out
Naaalala ba ninyo ung sa powerpoint, yung wipe vertical and wipe horizontal effects sa slide transition? Magandang ihalintulad kasi iyon sa kung anumang journal o blog entry ang naisulat na nuong isang taon na ang nakalilipas.
Nung isang taon, lubusan akong nagaga sa dalawang pelikula: ang Danny Deckchair at 9 Songs. Yung Danny Deckchair kasi, tungkol siya sa pag-alis nang hindi sinasadya, ngunit naging maayos naman ang kanyang dinatnan na buhay sa kabila ng probinsya kung saan siya namalagi, nahagkan, at pinakasalan si Miranda Otto.
Ang 9 Songs naman, tungkol sa lahat ng maaaring magaganda at masasaklap na bagay na nangyari bago tuluyang sinadyang umalis ng babae sa buhay ng lalake. Sex, drugs, and rock 'n roll at the age of 21.
Arctic meteorologist ang lalake, at sa pagkakataong ito, ang babae naman ang animo pabaya, ang walang pakialam sa pag-ibig. Isa rin ito sa mga nagustuhan ko sa pelikulang ito, kasi babae ang animo pariwara, ngunit mas masaklap ang kinahinatnan ng lalake nang inaanino niya ang nakakabulag na arctic regions sa simula ng pelikula.
Tuwing aalahanin ang lahat ng mga pelikula't eksena mula sa tunay na buhay, naiisip ko na parang osmosis ang lahat ng nangyayari. Lilisanin ang nakagisnan, lilipat, totoong magiging luma ang bago, at magsisimula muli ang lahat.
Mayroong kanta si John Mayer ukol sa personang inaalala ang kanyang nakalipas na relasyon. Binabati siya ng lahat kasi naka-iskor siya ng isang "perpektang" babae, ngunit inaalala pa rin niya ang kanyang nakaraan kasi, sa totoo lang, mas mukhang masaya siya sa ex niya.
Hindi ko sinasabing gusto kong balikan ang ex ko. Ayaw na ayaw ko talaga. Pero ika nga, looking forward, ano na ba talaga ito lalo na't nagsisimula ka na muli?
May mga naalala kasi ako sa mga pag-alis at sa pagpapasinaya ng bagong buhay. Minsa'y nagtataka lang ako kung ano ang nangyayari sa nananatiling espasyo sa iniwang buhay. Mayroon naman na pumapalit, pero eksaktong sing-sukat at hubog ba sila ng iniwan mo?
Sa naiwan na espasyo sa iyo, lubos ba o kulang ang papalit sa "butas" na iyon?
-----
Kamakailan lamang ay pinag-uusapan namin ng kaibigan ko sa kaopisina kung bakit maraming nagpapakasal na sa edad ko. Ang sumusunod ay ang mga sagot nya:
ganto lang yan kat eh, pwedeng:
a. mayaman na kasi sila so no need to work, the next step is to be married
b. nabuntis ang gurlash (very common nowadays, almost seems like the norm)
c. mag-aabroad ang isa sa kanila so para may kasiguraduhan ang future, kelangan magpakasal
d. mas malalatipid pag isang bahay nalang ang titirhan kesa mag-board separately, tutal doon din naman pupunta yun (may kakilala akong ganto!)
e. masyadong nao-overwhelm sa feeling of being in love so kalimutan na ang pagiging practical at magpakasal na agad
f. they don't do pre-marital sex at excited na sila so kasal na para legal! (may kakilala rin akong ganito!)
g. imbento lang, to arouse curiousity sa mga friends niya sa friendster
----
Umiinit ang ulo ko sa patalastas na ito sa EDSA.

Kaunting kahihiyan naman. Naalala ko tuloy ang mga panunudyo sa mga Oriental na kesyo mas maliit ang circumference ng ulo sa mga Puti, e di hamak na mas walang kakayahan na mag-isip kaysa sa kulay pulbos niyang amo.

1 Comentarios:
Ay. I love that john mayer song (at nakakairita rin nga yang informatics ad na 'yan).
Well, you never know. Maybe the reason someone became an ex was precisely because they didn't quite fit into the spaces you needed filled. Or you into theirs. Hayy. I was never a fan of breakups.
-- Jan
Publicar un comentario
Suscribirse a Comentarios de la entrada [Atom]
<< Página Principal