viernes, septiembre 29, 2006

Familiarity

Patuloy akong binabagabag ng gabing iyon.

Ikinulong kami ng ulan sa loob ng kanyang sasakyan, at wala kaming magawa kundi sumandal sa magkabilang panig nito. Dumaragsa ang pag-aalma ng mga busina sa labas, pero maaaring makurot ang hindi mawaring katahimikan sa pagitan namin.

Pinagmamasdan ko ang kanyang mukha habang ginagalusan ito ng mga anino ng bawat patak ng ulan. Iba ang sayaw ng bawat isa, tatalon mula sa kanyang noo, aagos sa kanyang ilong hanggang sa pisngi at mga labi, ngunit hindi kailanman matatakpan ang kanyang mga mata. Iyon ang sinigurado ko.

At nuon, sa panahon na iyon, nalaman ko na maaaring may nararamdaman na ako para sa kanya.

miércoles, septiembre 06, 2006

The Fix