jueves, agosto 31, 2006

Thinner

Kamakailan lamang ay sinasabihan ako na pumapayat ako, na mas madalas na ngumingiti, at "blooming".

Iba kasi ang hilatsa ng pagmumukha ko ngayon. Hindi ko alam kung marahil lamang sa aking mahiwagang bangs, o sa kasi palagi ako naka-heels.

Kausap ko si roomie Cat kagabi. Iba na nga daw ang pagdadala ko sa sarili ko nitong mga nakalipas na araw. Mas madalas na akong tumawa nang malakas, at hindi na rin ganun kadalas mang-insulto ng mga alipores sa dorm.

Marahil ay bigla akong napapaalalahan na sa pamamagitan ng ilang minuto lamang pala ay maaaring mag-bago ang buhay.

-----

Naalala ko nang nagpakita sa akin si "this-guy-i'm-semi-seeing" (itago na lang natin siya sa pangalang Scott*) matapos kong malaman ang isang "sordid life-changing occurence" na hindi ko inaasahan na mangyari nang ganito kabilis.

Napansin ko na lang na may lumulutang na plastic ng Filbars sa harap ko.

And then he said, "Hey, Kat. Comics, o."

And then I said, "Hey, thanks, Scott*. Syempre you dropped it off here pa." (We are situated in different floors).

And then he said, "No problem."

Ngumiti siya, sabay talikod.

Matapos ng ilang segundo, napagtanto ko na kadarating ko lang nung umagang iyon, at hindi pa ako nagsusuklay at naghihikaw.

Magaling na bata. =D

Sabi nga ni Cat, isa itong paraan ni Lord na ipakita na matapos ng isang heart-wrenching misadventure, tuloy pa rin ang ligaya.

Panahon na upang magwala, upang magpunta kung saan-saan, ika nga. Mabuhay nang walang patumangga.

*Names have been changed to protect the innocent.
------

Iniisip ko na kung mag-aaral ako sa NUS sa pamamagitan scholarship, makakayanan ko pa bang bumili nito:











0 Comentarios:

Publicar un comentario

Suscribirse a Comentarios de la entrada [Atom]

<< Página Principal