lunes, marzo 20, 2006

Anonymous statements

Si PB kasi... (with slight modifications)

Instructions: Write one statement to each of the people on your Blogger friends list. Never tell which one is for who.

1. I have always admired you for your strength, for where you you are now, helping people, and being continually educated. Alam ko nagalit ka sa akin nung college freshman-sophomore ako, pero it's funny how things turn out for the best. Kita tayo diyan soon, cross-country travel always amused me.=)

2. Salamat at naging mabait ka sa akin nung roomie kita. Kahit ung iba naweweirduhan sakin nun, kinakausap mo pa rin ako. Anlayo na rin ng narating mo, lola. Diyosa ka tlga.

3. Matapos ng lahat, naging kayo din. Asteeeg. Alagaan mo siya, pre.

4. Kailan ba tayo babalik sa Bacolod? Miss na kita at ung She Bangs moment natin. Naaalala ba ni Harris yun?

5. Maraming salamat, my sunshiny friend. A real blessing. Tas akala nya mataray ako nung collegge. Bwehehe.

6. Naku, isa ka pang lifesaver ka. Halika dito nang mayakap kita sa matinding pasasalamat.

7. Sa wakas, graduate ka na. Kahit cranky critics tayo ng buhay, huwag dapat mawalan ng pag-asa... and I sound like a red cross alcohol commercial.

8. Puntahan kita sa UP one time. Andami kong kuwento sayo.

9. Huwag ka na magbadminton. Araw-araw na lang tayo manuod ng pelikula at kumain ng kung anuanong anik-anik sa Galleria.

10. Salamat sa sideline.=) Pero seriously, anlaki ng utang na loob ko sa inyong mag-ama. Magmahalan ang mga weirdo.

11. Hwow, ang galing galing galing mo sa lahat ng bagay, dear. I wish you luck with everything, lalo na nakakalat ang iyong pangalan sa mundo. We'll always be here for you when you get back, at kahit nakatahi ka sa alapaap.

12. Ikaw, ewan ko sayo. Kahit ka nangungumusta, mahal pa rin kitang mokong ka. Tusukin kita ng karayom e (love hurts).

13. Nakikita-kita ko na ang iyong kinabukasan. Magiging pulitiko ka, pero ung mabuting uri ng pulitiko. Mamahalin ka ng madla, at magiging masaya ang bansang ito. Pero long live ang ispiritu ng hiphop na kaastigan sa iyo.

14. Isa kang matalinong bata. Kaya mo na yan.

Tag: Kung sinuman ang makabasa nito... Ayos. Ü