miércoles, agosto 31, 2005

The joys of being sick during your sick leave


Are actually zilch. Harhar.

However, there is actually one thing that I appreciate when I am literally excreting my lungs out through diseased air molecules: I am slowing down.

I just turned 23 this month, and the pressure to perform beyond stellar expectations has been performing the limbo rock on my flat, flat head.

So what did I do during my extended weekend? As the virus ravished this defenseless lump of flesh (germs can be so sexy), I was laughing my ass off watching Seinfeld and The Office. Talk about reflexivity in SitComs. Laughter may have not been the best medicine, since I cannot swallow anything bigger than a grain of rice after.

Kamakailan lamang ay mas lalo kong napapahalagahan ang aming mga aso sa bahay, lalo na tuwing lalapit sila sa akin matapos kong magtaray. Nakakabugnot naman kasi talaga kapag maysakit ka: bawal kang lumabas ng bahay, bawal mamasyal sa perya (oo, nagpupunta ako sa ganun), bawal mamili ng dvd, bawal mag-drive, at kung anu-ano pang maaaring ipagbawal ng Bathala.

Walang pakialam ang mga aso kahit hinihika na ako, kahit sumasabog ang kung anu-anong near-carcinogenic stuff sa ere. Palagi silang andun, naka-tanga’t nakatitig. Akala siguro tinatawag ko sila: kumakahol na ako tuwing pakiramdam ko ay kinakahig ang aking baga’t lalamunan.

Dahil nga kakaiba ang trabaho, hindi ko agad nakuha ang aking birthday leave. Kukunin ko siya sa Lunes.

Tinanong ako ni Lizzie kung ano ang gagawin ko sa araw na iyon, at sinabi ko na lang,

“Matutulog. Matutulog nang matutulog.”

0 Comentarios:

Publicar un comentario

Suscribirse a Comentarios de la entrada [Atom]

<< Página Principal