Consiguiendo cosas perdidas
Ang mga bagay na nawala sa akin ngayon:
1. Oras kasama ang aking Nanay Rosi, ang tunay na nagpalaki at nag-aruga sa akin. Ika -53ng kaarawan niya ngayon. Engrande pa naman ang handa, kasi sabi namin ni Mama hindi siya magluluto sa araw ng kanyang kaarawan. Piyesta ngaun sa bahay, at silang dalawa lang ang naroon.
Mahal kita, Nanay.
2. Oras sa Malolos, sa aking kama, sa pagmuni-muni ng kung anu-ano bago bumangon.
3. Oras na makasama si Angel at Kris, si Mapi, si Jan, at si Bel.
4. Oras para makapag-despedida para kay Niong.
5. Oras na gawin ang mga nais kong gawin.
Kasi nagtatrabaho ako.

0 Comentarios:
Publicar un comentario
Suscribirse a Comentarios de la entrada [Atom]
<< Página Principal