When every moment is a day, and everyday is a lifetime
Mistulang halo ang nararamdaman ko para sa iyo ngayon.
Tinanong kita kagabi kung ano ang problema, kasi napapansin ko na nag-impake ang iyong mga mata't ngayo'y lumilibot na sa kung saang dako o singit ng telebisyon kagabi.
Alam kong may bumabagabag sa iyo. Ito ba ang napag-usapan natin dati? Noong bigla mo na lang akong tinawag at sinabi sakin ang dahilan kung bakit ka mas nagiging tahimik ka nitong nakalipas na buwan?
Tinanong kita kagabi, hindi ka naman sumagot.
Nagmukha akong tanga.
Siguro ganun naman talaga.
Ganun lang talaga.
Sabi nga ni Angel sa akin, "Masyado kang martir." But I digress.
Vibes mo marahil ay huwag na nga kitang papakialamanan.
Kung anuman yan, kahit huwag mo na akong kausapin, sana maayos na. Mabait ka namang tao (hindi ako sarcastic).
Kaya mo na yan.

0 Comentarios:
Publicar un comentario
Suscribirse a Comentarios de la entrada [Atom]
<< Página Principal