jueves, junio 02, 2005

Para kay Sigh, sa kanyang kaarawan

Gumising ako kanina at nakita kong wala na ang iyong nakakulumpot na hugis tuwing nakikita kita sa umaga na tulog pa rin, sa ilang mga kakaunting beses na nauuna akong nagigising sa iyo.

Maligayang kaarawan sa iyo, isang tunay na kaibigan at katukayo, kaiyakan at katawanan. Hindi ko makakalimutan ang iyong pagiging wonderwall sa akin sa lahat ng mga taon na iyon.

Maraming salamat sa iyong pagtitiwala, kahit kadalasa'y nalilihis ako sa daan ng alam nating Tama. Nakikinig ka pa rin, ngumingiti, at nagbibigay-saya sa aming lahat.

Malapit ka nang mag-aral. Malapit nang magbukas ang karagdagang isang milyong pinto para sa iyo. Malapit na.

Hindi ko alam kung nasaan ka sa panahon ng aking pagsusulat, pero mahal na mahal kita, kaibigan. Salamat sa iyong pagdaan.

0 Comentarios:

Publicar un comentario

Suscribirse a Comentarios de la entrada [Atom]

<< Página Principal