miércoles, junio 22, 2005

Ahas in the middle of the street

Lubos lang akong naaasiwa sa isang usapan na aking pinatulan kagabi ilang segundo bago ako matulog.

Humihingi ka ng payo sa akin, Kaibigan A. Ako naman, dahil mahal ko ang mga kaibigan ko at itinuturing ko ang sarili ko bilang kanilang first and last line of defense, inalalayan kita sa problema mo sa pakikinig at pagbibigay-payo.

Sa lahat ng pabalik-balik na mga text na namagitan sa mga ating mga daliri kagabi, hindi ka rin pala nakinig.

Ang masakit pa, wala ka palang planong makinig.

Sa isip-isip ko na lang, sana pala hindi na lang tayo nag-usap. Sana hindi mo na lang ako kinausap, kasi parang binastos mo ako sa ginawa mong iyon.

Mali ang ginagawa mo, pero ginagawa mo pa rin.

Naiinis na ako.

Pero dahil mahal kita, makikinig lang ako. A shoulder to cry on, ika mo nga.

Andito lang ako, pre.

0 Comentarios:

Publicar un comentario

Suscribirse a Comentarios de la entrada [Atom]

<< Página Principal